Aktibong nakiisa ang Cielito Zamora High School-I (SHS) sa isang nationwide earthquake drill kamakailan matapos ang banta ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa biglaang pag-atake ng lindol sa Pilipinas.
Inalerto ang mga mag-aaral ng CZHS-I sa pagsasagawa ng earthquake drill sa pangunguna ni G. Roque Rodulfo kaagapay ang Batang Emergency Response Team (BERT) upang panatilihin ang kaayusan sa paglikas ng mga estudyante.
Kaugnay ito ng malawakang paghahanda ng bansa ‘The Big One’ sapagkat hindi pa tiyak kung kailan tatama ang nasabing lindol na kikitil sa buhay ng libo-libong mamamayan.
Kasalukuyan pa ring inaalam ng ahensiya kung kailan maaaring tumama ang lindol bunsod ng sunod-sunod na naitalang pagyanig sa iba’t ibang panig ng bansa.
Naalarma naman ang mga netizens sa kumalat na larawan sa twitter na ‘warning’ o babala tungkol maaaring epekto ng ‘The Big One’ tulad ng tsunami.
“Kailangang maging handa sa mga posibleng dulot ng lindol at gawin itong gabay at maging handa sa anmang sakunang maaaring maranasan,” babala sa nasabing kumakalat na larawan.
Sa kabila nito, patuloy pa rin ang paghahanda ng CZHS-I alinsunod sa pagbibigay ng update mula PHIVOLCS sa posibleng magaganap na lindol at tsunami anumang oras.